JOSHUA The Beloved King © Star Value 🇵🇭 Story (version 2019)

AMA ng Biyaya 

Father of Blessings



Buhay ng ANAK 

Son of Life #ABBA ©


Kwento  (Story)
sa panulat ni Ramon E. Bayron 
(written by Ramon E. Bayron)



JOSUE
May sasabihin Ako

MGA BATA
Ano po? 👦👧

Katahimikan.

MGA BATA
Para sa amin po ba ang sasabihin N'yo? 👦👧

JOSUE
Ang sasabihin Ko ay para sa lahat.

MGA BATA
Para sa lahat po? Ibig N'yo bang sabihin, ang sasabihin N'yo po ay para sa amin at para sa mga kalaro namin? Para sa mga kaibigan namin? Mga kaklase namin sa eskwela, pati kay Ma'm?

Katahimikan.

JOSUE
Para sa lahat. Sa lahat ng makikinig at mag-iisip at magdedesisyon at gagawa dahil natuto, natututo, matututo.

BUBOY
Paano po kung hindi ako matuto?

JOSUE
Hindi Ako nagsasalita para sa mga ayaw matuto. Hindi Ko itinatapon ang mga mahalagang perlas Ko sa mga kababuyan. Ang mga hindi makikinig sa mga sinasabi Ko, hindi sila matututo. Ang mga hindi matututo, sila, sa huli, ang mga UTU-UTO.*

*inpiration: Mateo 7:6

NENE
Naku, ayoko pong maging UTU-UTO! Ayoko po talaga! Sige na po, gusto ko na po talagang marinig kung ano po ang sasabihin n'yo!

Titingnan ng Una ang mga mata ng Ikalawa at Ikatlo habang buo pa rin ang katahimikan.

BUBOY
At isa pa po. Kung pwede po sana, itatanong ko rin sa inyo kung... SINO po ba kayo? 

NENE
ANO po ba ang pangalan N'yo? Kasi mukha po kayong Mayaman. 

BUBOY
Mukha po kayong Makapangyarihan. SAAN po ba Kayo galing